May sagot na si Sen. Imee Marcos sa mga naging pahayag ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro hinggil sa pagkalas niya sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas na senatorial slate ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Sa isinagawang press briefing, Huwebes, Marso 27, sinabi ni Castro na ang senadora naman daw ang nagdesisyong umalis sa Alyansa slate, lalo't kung hindi naman
"Siya naman po ang nagsabi na siya'y kumakalas na sa Alyansa dahil sabi niya ay hindi yata pareho ang kanilang mga adhikain, ang adbokasiya, kung hindi po talaga nalilinya ang kaniyang mga paniniwala sa paniniwala ng Alyansa, mas maganda po siguro talaga na siya ay umalis dahil hindi po niya paniniwalaan ang mga programa ng Alyansa, hindi po talaga magkakaroon ng magandang relationship," aniya.
"Pero ang lahat pong ito ay ipapaubaya natin sa campaign manager na si Congressman Toby Tiangco," aniya pa.
MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, mas maganda na ring umalis sa Alyansa—Usec Claire Castro
Sa ambush interview naman ng media kay Sen. Imee, sinabi niyang wala siyang masasabi sa mga naging pahayag ni Castro, ayon na rin sa turo sa kaniya ng kanilang inang si dating First Lady Imelda Marcos.
"In the immortal words of my mother, Imelda Romualdez Marcos, to patol is human, to deadma is divine. Let's be divine," aniya. "Deadma!"
Matatandaang Miyerkules, Marso 26, ay tuluyan nang kumalas sa Alyansa si Sen. Imee.
"I cannot stand on the same campaign platform as the rest of the Alyansa. As I have stated from the outset of the election period, I will continue to maintain my independence,” saad niya.