March 31, 2025

Home BALITA National

Sen. Imee, gusto pumuntang The Hague; ibibigay ₱10k para sa ika-80-anyos ni FPRRD

Sen. Imee, gusto pumuntang The Hague; ibibigay ₱10k para sa ika-80-anyos ni FPRRD
Photo courtesy: screengrab from Senate of the Philippines/YT and ICC/FB

Nagbigay ng mensahe si reelectionist Senator Imee Marcos para sa darating na ika-80 kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Biyernes, Marso 28, 2025.

Sa kaniyang press briefing nitong Huwebes, Marso 27, hiniling ng senadora na makauwi na ng bansa ang dating Pangulo na kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) na humaharap sa kasong crimes against humanity. 

KAUGNAY NA BALITA:  TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

“Syempre happy birthday! Matindi rin yung umabot sa 80 years old. At sana makauwi na siya,” anang senadora.

National

Batangas, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Samantala, iginiit din ni Sen. Imee na nais umano niyang personal na makapunta sa The Hague upang maibigay ang ₱10,000 benepisyo ni dating Pangulong Duterte na kaniyang matatanggap dahil sa pagtungtong sa edad na 80 taong gulang. 

“Higit sa lahat syempre, gusto kong pumunta sa The Hague, kung papayagan ako, dadalhin ko yung cheke na 10,000. Kasi sa expanded centenarian, qualified na siya. 80-anyos na,” ani Sen. Imee.

Matatandaang noong Pebrero nang ihayag ni commissioner at officer-in-charge National Commission of Senior Citizens (NCSC) na si Dr. Mary Jean Loreche na maaari nang makatanggap ng ₱10,000 ang lahat ng senior citizens sa bansa na nasa edad 80, 85, 90 at 95 taong gulang. 

KAUGNAY NA BALITA:  ₱10K, maaaring makuha ng ilang senior citizens na nasa edad 80, 85, 90, at 95-anyos