March 31, 2025

Home BALITA National

‘Pinas, ‘di makikipagtulungan sa ICC hinggil sa ‘interim release’ ni FPRRD – PCO Castro

‘Pinas, ‘di makikipagtulungan sa ICC hinggil sa ‘interim release’ ni FPRRD – PCO Castro
Ex-Pres. Rodrigo Duterte (file photo)

Hindi makikipagtulungan ang pamahalaan ng Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) kung papayagan ng korte ang interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil wala itong hurisdiksyon sa bansa, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro.

Sinabi ito ni Castro sa isang press briefing nitong Huwebes, Marso 27, matapos sabihin ng isang tagapagsalita ng ICC na ibibigay ng korte ang pansamantalang pagpapalaya kay Duterte kung papayag ang Pilipinas dito at sa ilang guidelines at kundisyon na itinakda ng korte.

"Does it mean that we have to recognize that ICC has jurisdiction over the Philippines? I believe the family of the former President Duterte is asking and praying from the Supreme Court that the government should not cooperate with the ICC," ani Castro.

"So, it means that we will not cooperate with the ICC, even that prayer or even that manifestation of the ICC, we will not recognize as of that," dagdag niya.

National

Batangas, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Ayon pa sa PCO Usec., kung sakaling makikipagtulungan daw ang bansa sa interim release ng dating pangulo, mabubuksan daw ang iba pang isyu tulad ng “freeze order” ng assets nito.

"Mahirap po kasi na sasabihin natin–although that’s hypothetical–sasabihin po nating makikipag-cooperate tayo sa ICC pagdating po sa interim release, dahil lahat po ng isyu diyan ay mabubuksan. Mabubuksan din po kung magkakaroon ng freeze order sa kaniyang mga assets," giit ni Castro.

"Gugustuhin po ba din ng Pamilya Duterte na makipag-cooperate tayo sa ICC para lahat ng kanilang assets, nakatago man o hindi nakatago, ay makikipagtulungan tayo sa ICC, para mahagilap lahat ng kanilang assets?" saad pa niya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC sa The Hague, Netherlands si Duterte matapos siyang arestuhin noong Marso 11 dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” dahil sa madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD