March 31, 2025

Home BALITA Eleksyon

Kiko Pangilinan, itinangging sasama sa senatorial slate ni PBBM

Kiko Pangilinan, itinangging sasama sa senatorial slate ni PBBM
Courtesy: Dating Senador Kiko Pangilinan/FB

Pinabulaanan ni senatorial candidate Atty. Kiko Pangilinan ang mga ulat na sasama siya sa slate ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “Alyansa para sa Bagong Pilipinas” para sa 2025 midterm elections, matapos kumalas dito si reelectionist Senator Imee Marcos.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, Marso 27, sinabi ni Pangilinan na walang nangyaring pag-uusap sa pagitan ng kaniyang kampo at sa Alyansa.

“There have been no discussions between my camp and Alyansa para sa Bagong Pilipinas. Our campaign remains independent and focused on our core advocacy—fighting high food prices and ensuring food security for every Filipino family,” ani Pangilinan.  

“Sa atin, ang laban ay laban para sa pagkain sa murang presyo. Hindi ito usapin ng partido o kulay,” dagdag niya.

Eleksyon

Halos mag-concert: Andrew E, mabenta sa campaign rallies

Sinabi rin ng dating senador na handa siyang makipagtulungan sa lahat ng partido para sa ikabubuti ng bansa.

“Handa tayo makipagtulungan sa lahat ng mga partido, Alyansa man o PDP o iba pang mga grupo sa ngalan ng bawat pamilyang Pilipino na hindi na makabili ng sapat na pagkain dahil sa taas ng presyo,” saad ni Pangilinan.

Lumabas ang usap-usapang nagkausap umano sina Pangilinan at kasama nitong si senatorial candidate Bam Aquino sa Alyansa matapos umalis sa partido si Sen. Imee dahil sa hindi raw tugma ang prinsipyo niya hinggil kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, 'di na nakakausap si PBBM: 'Maraming nakapaligid sa kaniya na humaharang' 

Samantala, itinanggi na rin ni Alyansa campaign manager at Navotas Rep. Toby Tiangco ang naturang usap-usapan hinggil sa posibleng pagsama nila kina Pangilinan at Aquino sa partido.