Sinagot ni reelectionist Senator Imee Marcos ang tanong kung kanino raw siya pumapanig sa pagitan ng mga Duterte at administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang pagkalas niya sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Sa panayam sa kaniya sa media nitong Huwebes, Marso 27, 2025, natanong ng media ang senadora kung mas importante umano ang kaniyang imbestigasyon sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaysa sa kaniyang kandidatura.
"Because it's more important to me. May bagay na mas mahalaga sa pulitika. May bagay na mas mahalaga kaysa sa kampanya at panalo. Anong ibig sabihin ng senador na walang bansa? May kahulugan ba 'yon?” anang senadora.
Matatandang noong Miyerkules, Marso 26 nang pormal na inanunsyo ni Sen. Imee ang kaniyang pagkalas sa Alyansa, na senatorial slate ng administrasyon ni PBBM. Ayon sa kaniya, mas pagtutuunan niya raw ngpansin ang imbestigasyon hinggil sa pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Duterte.
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas
Noong nakaraang linggo, nang pumutok ang bali-balitang inilaglag na umano ng Alyansa ang senadora matapos niyang pangunahan ang naturang imbestigasyon sa Senado at hindi pagbanggit ni PBBM sa kaniyang pangalan sa pangangampanya sa Cavite at Laguna.
KAUGNAY NA BALITA: 'Sinong nilaglag?' PBBM, inendorso 11/12 senatorial bets ng Alyansa
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, walang alam kung kasama pa siya sa Alyansa: 'Hindi ko alam'
Samantala, sinagot din ni Sen. Imee kung sino raw ang mas matimbang sa kaniya sa pagitan ng kaniyang kapatid at mga Duterte.
“Palagay ko lampas-lampas na 'to sa Duterte at Marcos. Ang pinag-uusapan na dito yung soberanya ng ating bansa,” ani Sen. imee.
Nang tanungin kung handa ba siyang matalo para sa mga Duterte, sagot ng senadora, “Di naman ako matatalo. May kandidato bang matatalo? Syempre lahat ng kandidato, naniniwala na mananalo.”
KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee, ‘di raw inimbestigahan FPRRD arrest para sumikat: ‘Labis-labis na nga sikat namin!’