Nangunguna pa rin ang University of the Philippines - Diliman sa mga unibersidad sa Pilipinas ayon sa isang independent metric-based ranking na EduRank.
Sinusukat ng EduRank ang mahigit 14,000 unibersidad mula sa 183 bansa batay sa mga pananaliksik, non-academic reputation, at sa mga kilalang alumni nito.
Ayon sa March 2025 ranking ng EduRank, nangunguna ang UP Diliman sa listahan ng top universities sa loob ng bansa habang sa buong Asya naman ay ika-366 at ika-1,1348 naman sa buong mundo.
Sinundan ang UP Diliman ng De La Salle University, Ateneo De Manila University, University of Santo Tomas, at University of the Philippines - Los Baños.
Samantala, narito ang iba pang pamantasang kabilang sa top universities sa loob ng bansa:
University of the Philippines - Manila
University of San Carlos
Mapua University
Mindanao State University
Asian Institute of Management
University of the Philippines in the Visayas
Visayas State University
Silliman University
Polytechnic University of the Philippines
Adamson University
Central Luzon State University
De La Salle - College of Saint Benilde
University of Asia and the Pacific
Lyceum of the Philippines University
University of the East - Philippines
Matatandaaang batay sa ranking ng EduRank noong 2024 ay nasa tugatog pa rin ng listahan ang UP Diliman bilang top university sa Pilipinas.