May payo ang Palasyo hinggil sa umano’y pagpetisyon ni senatorial candidate Gringo Honasan sa International Criminal Court (ICC) na mapabalik ng bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa press briefing nitong Miyerkules, Marso 26, 2025, nilinaw ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na wala umanong balak ang pamahalaan na harangin ang anumang petisyon para sa dating Pangulo.
“As for the government… we will not do anything because we no longer have any responsibility—we will not take any action regarding the ICC’s legal system or legal procedures,” ani Castro.Samantala, payo naman ni Castro, mas mainam daw kung sumangguni muna si Honasan sa kampo ni dating Pangulong Duterte, kaugnay ng anumang petisyong isusumite nito sa ICC.
“Well, it is his right to do whatever he wants to defend former President Duterte, but it would probably be better for him to coordinate first with Duterte’s legal team, as the ICC might not even acknowledge him.,” saad ni Castro.
Matatandaang nananatili sa kustodiya ng ICC si dating Pangulong Duterte kaugnay ng kinakaharap niyang reklamong crime against humanity bunsod ng naging madugo niyang kampanya kontra droga.
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD