March 30, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kris Aquino, hinihikayat ulit na magpaalbularyo

Kris Aquino, hinihikayat ulit na magpaalbularyo
Photo courtesy: Ronin Leviste (FB)

Marami sa mga netizen ang muling umuudyok kay Queen of All Media Kris Aquino na subuking magpatingin sa faith healer o albularyo, matapos makita ang latest photo niya.

Nabagabag kasi ang fans at supporters ni Kris nang ibinahagi ng anak ng dating boyfriend na si Batangas Vice Governor Mark Leviste, na si Lian, Batangas Vice Mayor Ronin Leviste, ang mga larawan nila ng pagdalaw niya sa kaniyang "Tita Kris."

Sa kaniyang Facebook post kasi, ibinahagi ni VM Ronin ang ilang mga kuhang larawan sa pagbisita niya sa bahay ni Kris, at isa sa mga larawang naka-post ay tila nakapagpaalarma sa mga netizen.

Makikita kasing inaalalayan ni Bimby ang kaniyang Mama Kris na kapansin-pansin ang sobrang kapayatan, lalo na sa bandang mga binti.

Tsika at Intriga

Min Bernardo 'bubulong-bulong' pero 'di nanghihimasok sa lovelife ni Kathryn

Bakas din sa mukha ni Kris ang tila paghihirap niya sa pagkilos at pagtayo.

Bumuhos tuloy ang pag-aalala ng mga netizen para sa kaniya.

"Hindi Yan edit hirap na talaga siya tumayu at lumakad kinakarga na siya ni bimby pag popops at wewee talagang lumiit na Yung legss niya na auupos na parang kandila na siya Yung laman niya or listed ay natutubaw na Wala nang muscle Yung kanyang katawan kaya sobrang kirot St sakit na lahat nang buto niya pag kumikilos siya Lalo na Yung tuhud niya nagkikiskisan na lahat nang buto niya dahil sa lupus Wala nang taba ,lited lahat nang buong katawan niya puro buto na halos natira."

"Still waiting for Miss Kris' return. Nakakamiss talaga sya."

"Sobrang payat na ni Kris, sana umokay pa siya, nakakamiss siya..."

"Mag patawag sana sya Ng albularyo at mag patingim Wala nman mawawala pag ginawa nya..Kasi sa tingin q talaga ponaaphina lng talaga.me something talaga na ginawa sa kanya..Malay natin Meron taong naiinggit or naging kaaway nyajust advise lang naman "

"Grabeng payat na nya..gagaling kapa miss kris..klangan kpa ng showbiz industry and xmpre ng mga anak mo.."

May mga nagsabi namang subukin niyang magpatingin sa albularyo dahil wala naman daw mawawala kung gagawin niya.

"Bakit kaya hnd nyo dalhin si kris sa isang faith healer baka sakali lang gumaling"

"Magpaalbularyo ka na Kris."

"Why not try sa albularyo baka sakaling maagapan?"

"Matagal na sinasabi sa kaniya magpunta sa albularyo pero ayaw niya yata."

"Mag patawag sana sya Ng albularyo at mag patingim Wala nman mawawala pag ginawa nya..Kasi sa tingin q talaga ponaaphina lng talaga.me something talaga na ginawa sa kanya..Malay natin Meron taong naiinggit or naging kaaway nyajust advise lang naman "

KAUGNAY NA BALITA: Fans, netizens labis na nag-alala sa kalagayan ni Kris Aquino

Matatandaang matagal nang sinabihan si Kris na kumonsulta sa albularyo, ngunit nasabi na rin ni Ogie Diaz sa kaniyang entertainment vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" na hindi siya naniniwala rito.

KAUGNAY NA BALITA: Kris Aquino, muling pinayuhang magpakonsulta sa albularyo

KAUGNAY NA BALITA: Kris, baka nakulam daw; hinikayat na magpa-albularyo, pagamot sa faith healer

KAUGNAY NA BALITA: Mungkahing pagpapa-albularyo, nakarating na kay Kris; anong sey niya?

Samantala, kamakailan lamang ay naging usap-usapan din ang mismong pagbabahagi ni Kris ng mga larawan niya sa Instagram post niya kung saan makikitang karga na siya ni Bimby patungo sa banyo.