Cool na sumagot si TV5 news anchor Gretchen Ho sa mga nang-aakusang "biased" siya sa pagbabalita ng mga pangyayari sa The Hague, Netherlands kung saan naroon si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na inaresto ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 11, 2025.
Isa si Gretchen sa mga mamamahayag ng mainstream media na nasa The Hague upang maghatid ng mga balita patungkol doon, lalo na ang pagtungo ng Duterte supporters sa labas ng ICC.
Bukod kay Gretchen, naroon din sina GMA news anchor Mariz Umali at ABS-CBN news anchor Zen Hernandez.
Si Mariz, kamakailan lamang, ay na-bash nang malala matapos paratangang tinawag na "matanda" si dating Executive Secretary Atty. Salvador Medialdea, nang isakay siya sa ambulansya at dalhin sa ospital matapos sumama ang pakiramdam.
Sa isang Facebook post naman ay agad na nilinaw ni Mariz na hindi niya tinawag na "matanda" si Medialdea, bagkus, ang salitang sinambit niya sa viral video ay "mata niya."
MAKI-BALITA: Mariz Umali, may simpleng post tungkol sa 'hate' matapos 'matanda issue'
Mabalik kay Gretchen, sa kaniyang Instagram post noong Marso 21, ibinahagi ng TV5 news anchor ang larawan niya habang nasa Philippine Embassy in the Netherlands, kasama si Ambassador Ed Malaya.
"Dropped by the Philippine Embassy in The Netherlands and found out we have a seasoned diplomat and lawyer at the helm. Right person, right time, right place. Thanks for having me, Ambassador Ed Malaya!" aniya.
Sa comment section ay pinutakti si Gretchen ng bashers, na pinaratangan siyang "bias."
Sumalag naman si Gretchen ngunit sa paraang "witty."
"BIAS with an ED” po. Biased. Thanks powh," aniya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"hwag niyo na po pansinin mga dsshit na yan, ganyan talaga kapag disperado na. Lahat na lang gagawin issue. BASTA MASASABI KO SA MGA DDS 'DASURB.'"
"as long as you got the point"
"thank you for acknowledging and not denying"
"and that's the best you can do? Correct the spelling?"
"Moving forward guys with ED na huh, at least aminado :)"
"kaloka talaga ang galit ng mga DDS haha."