Nirerespeto ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ang pagkalas sa kanila ni Senador Imee Marcos nitong Miyerkules, Marso 26.
"We respect Senator Imee's decision. We wish her luck in the campaign," ani Navotas Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng Alyansa.
Naiulat na tuluyan nang umalis si Sen. Imee sa naturang senatorial slate ng kaniyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, kumalas na sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas
Matatandaang kamakailan lang ay inihayag ng senadora na hindi raw niya alam kung kasama pa siya sa senatorial slate ng administrasyon.
MAKI-BALITA: Sen. Imee, walang alam kung kasama pa siya sa Alyansa: 'Hindi ko alam'
Ito ay matapos hindi siya banggitin ni Pangulong Marcos sa ikinasang kampanya ng Alyansa sa Cavite noong Marso 23, kasunod din ito ng pag-imbestiga niya sa umano’y ilegal na pag-aresto ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Duterte.
MAKI-BALITA: 'Sinong nilaglag?' PBBM, inendorso 11/12 senatorial bets ng Alyansa