March 29, 2025

Home BALITA National

PNP, tinawag na 'fake news' sinabi ni Dela Rosa na ni-recall security details niya

PNP, tinawag na 'fake news' sinabi ni Dela Rosa na ni-recall security details niya
(MB file photo; Sen. Bato dela Rosa/FB)

Tinawag na “fake news” ng Philippine National Police (PNP) ang pahayag ni reelectionist Senador Ronald “Bato” dela Rosa na ni-recall umano ang kaniyang security details.

Matatandaang sa isang Facebook post nitong Martes ng umaga, Marso 25, sinabi ni Dela Rosa na nagsimula umanong mag-volunteer ang mga retiradong pulis at sundalo nang i-recall daw ng PNP ang kaniyang security details.

“When my security details were recalled by the PNP, retired cops & soldiers started volunteering as replacements. They have no firearms but they are equipped w/ kamote, balanghoy, saging, manok bisaya & ready to survive w/ me. Very heartwarming,” anang senador sa kaniyang post.

Bukod dito, sa isang panayam ay isiniwalat ni Dela Rosa na nalaman lamang daw niya ang tungkol sa pagkawala ng kaniyang security details nang dumating siya sa Davao noong Lunes, Marso 24.

National

DMW, inasistehan 19 Pinoy sa Qatar na inaresto dahil sa umano'y 'political demonstrations'

“Pag-uwi ko dito sa Davao, wala na ko security. Pinare-report na sila sa unit nila,” ani Dela Rosa.

Samantala, base sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng PNP Public Information Office na walang katotohanan at pawang “fake news” daw ang naturang pahayag ni Dela Rosa, at binanggit ang Police Security and Protection Group (PSPG).

Habang sinusulat ito’y hindi pa naman nakapagbibigay ng mas detalyadong paglilinaw ang PSPG hinggil sa naturang pahayag ng senador.