March 30, 2025

Home BALITA National

PBBM, 'ngumiti lang’ nang tanungin kung puwedeng bumalik PH sa ICC – PCO Castro

PBBM, 'ngumiti lang’ nang tanungin kung puwedeng bumalik PH sa ICC – PCO Castro
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Ibinahagi ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na ngumiti lamang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang tanungin ito hinggil sa posibilidad ng muling pagbabalik ng Pilipinas sa Rome Statute na bumuo ng International Criminal Court (ICC).

Sa isang press briefing nitong Martes, Marso 25, sinabi ni Castro na hindi pa talaga nila napag-uusapan ang anumang planong muling bumalik ang bansa sa ICC.

“As we speak, we have not yet discussed any plan of rejoining the ICC,” ani Castro.

“Noong huli po nating nakausap ang Pangulo, tinanong po natin ‘yan nang personal at siya ay ngumiti lamang, at sasabihin ko daw dapat na wala pa talagang napag-uusapan patungkol doon,” saad pa niya.

National

Batangas, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

Muling naungkat ang usapin hinggil sa pagbalik ng Pilipinas sa ICC matapos arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Marso 11 dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng giyera kontra droga nito.

MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO

MAKI-BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Matatandaang noong Marso 17, 2019 nang tuluyang kumalas ang Pilipinas sa ICC, sa direktiba ni Duterte.

Ang nasabing pagkalas ng bansa ay matapos ianunsyo ni noo’y ICC prosecutor Fatou Bensouda na minamatahan nila ang Pilipinas dahil sa pagtaas ng kaso ng mga patayan kaugnay ng war on drugs ng dating pangulo.

MAKI-BALITA: BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019