April 02, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pagtanggi umano ni Deanna Wong na makipag-picture sa fan, usap-usapan!

Pagtanggi umano ni Deanna Wong na makipag-picture sa fan, usap-usapan!
Photo Courtesy: Deanna Wong (IG), Screenshot from Pinoy Pranks (FB)

Nalagay na naman sa sentro ng intriga si volleyball star player Deanna Wong dahil sa umano’y pagtanggi niyang makipag-picture sa fan.

Sa Facebook reels ni Tonio Dillinger kamakailan, mapapanood na habang nakaupo si Deanna sa bench ay isang babae ang lumapit sa kaniya, subalit mabilis ding umalis nang may sabihin si Deanna. 

Sapantaha ng mga netizen, mukhang hindi napagbigyan sa selfie ang nabanggit na babae. Umani tuloy ng hindi magagandang reaksiyon ang nasabing video. Narito ang komento ng ilan:

"Basta tibo may ugali talaga."

Tsika at Intriga

Bagong PBB celeb housemate, inakusahang 'walang ambag sa groupworks noong college'

"Sino kaba? May regla ka siguro"

“Ayyy IDOL NYO NAMAMAHIYA”“Felt bad kay Ate. Nakaka trauma yan kapag nahinde-an ng celeb. Parang feeling mo, lahat ganyan. Kaya di kana magpapa picture. ”

"Kaya mas gusto ko pa ang mga beki ksa sa tomboy..May iba kasing tomboy na akala mo kung sino na may et*ts..mas mayabang pa sa lalaki kala mo nman di nireregla"

"This girl should understand that she is a celebrity and public figure although she has no responsibility on other people but must learn and understand to respect fans who adore her and has given their time just to watch her , by bringing to them the gratitude or the pansin they need from her, umuwe sila n Masaya , Yun lang MALAKING bagay na, kahit Hindi maganda pkiramdam mo , it's part of being a celebrity"

Ngunit sa kabila ng mga batikos, may ilan din namang dumepensa kay Deanna. Narito ang sey ng iba pang netizens:

“because she has every right to refuse ”

"She’s in her private moment. Respect boundaries."

“This is our toxic manner filipinos, yung hirap makaunawa ng personal space at hindi makaintindi na hindi sa lahat ng oras dapat napagbibigyan tayo sa mga gusto natin. Tao lang din sya, pwedeng pwede tumanggi sa kung anong request anytime, anywhere. Hindi lang napagbigyan, kung ano ano na pinagsasabi nyo.”"Public figures have the right to say no if they don’t want to take pictures. Y’all need to understand that this wasn’t a public event she was part of, she was there to watch and enjoy the show in private. So why all the yapping? Eyon-"

"If we don't like someone's attitude, why attack their gender? If straight yung tumanggi, di naman natin sinasabi na palibhasa lalaki/babae kaya ganyan. Pero if queer, sasabihan na kala mo may bayag nireregla naman. Like anong konek? Isa pa, kahit sports personalities o celebrities, tao sila hindi photobooth. they have the rights to say no. We must learn how to respect boundaries. Pag di tayo napagbigyan, wag masama loob. Pinupuna natin ugali ng iba pero sariling toxic traits natin na di marunong rumespeto ng boundaries, okay lang? Lol. I don't even know who is she, but I know she's human."

"They are human beings. Kahit sino, minsan masama lang talaga timpla natin or may problema tayo. Its their prerogative to say no to anybody. Wag kayo mga paimportanteng fans."

Matatandaang bago pa man ito ay ilang beses nang nadawit sa isyu ng pang-iisnab sa fans si Deanna.

MAKI-BALITA: Video ng muling pang-iisnab umano ni Deanna Wong, usap-usapan; netizen na nag-upload, kinuyog

Nakipag-ugnayan ang Balita kay Deanna upang hingin ang kaniyang panig sa isyu, ngunit wala pa siyang ibinibigay na tugon, reaksiyon, o pahayag.