Ibinahagi ng aktres na si Nikki Valdez ang trauma na naranasan daw niya sa relasyon nila noon ni Troy Montero.
Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Lunes, Marso 24, sinabi ni Nikki na hindi raw makapaniwala ang ilang fans na karelasyon niya si Troy.
“Ang daming na-shock na parang ‘Ha? Bakit siya?' Bakit daw ako?’ Umabot pa nga sa point na may reference pa sila na ang foreigner ay mahilig sa kamukha ko. May ganoon noong time na 'yon," lahad ni Nikki.
“My kuya then was in college,” pagpapatuloy niya, “and I remembered he told me na napanood niya 'yong isang interview sa TV na 'yon na nga na parang 'Bakit si Nikki Valdez? Ang mga foreigner talaga mahihilig sa mukhang ganyan.' So nasaktan 'yong Kuya ko for me.”
Dagdag pa ng aktres, “Na-trauma talaga ako. [...] Siguro kung that happened in this generation, 'yong sinasabi nila na mental health ko bagsak, negative talaga kasi hindi ko alam paano umabot sa gano’n.”
Gayunman, naniniwala raw si Nikki na totoo ang pag-ibig na pinagsaluhan nila ni Troy.
Matatandaang tumagal ang relasyon ng dalawa ng pitong buwan noong 2001. Ngunit sa kasalukuyan, pareho na silang masaya sa piling ng kani-kanilang mga asawa.
Si Nikki ay kasal sa non-showbiz boyfriend nitong si Luis Garcia samantalang si Troy naman ay kasal na rin naman sa aktres na si Aubrey Miles.