March 28, 2025

Home BALITA

NHCP, sinita watawat ng Pilipinas na nilagyan ng agila

NHCP, sinita watawat ng Pilipinas na nilagyan ng agila
Photo Courtesy: National Historical Commission of the Philippines (FB)

Pinuna ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang isang larawan kung saan tampok ang watawat ng bansa na nilapatan ng agila.

Sa Facebook post ng NHCP noong Lunes, Marso 24, sinabi ng komisyon na labag daw sa batas ang ginawa sa watawat ng Pilipinas.

“Ang larawan na ito ay lumalabag sa Batas Republika Blg. 8491 o ang ‘Flag and Heraldic Code of the Philippines,’” saad ng NHCP.

Dagdag pa nila, “Ang watawat ng Pilipinas ay simbolo ng pagka-Pilipino at ng ating bansa, kaya naman bigyan natin ito ng mataas na respeto. Laging tandaan, ang panata ng bawat Pilipino ay dapat #TapatSaWatawat.” 

15 public schools sa Davao City, nagsuspinde ng face-to-face classes para sa kaarawan ni FPRRD

Samantala, ang nasabing larawan ay tila mula sa tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nananawagang ibalik ito sa Pilipinas mula sa The Hague, Netherlands matapos maaresto.