March 28, 2025

Home BALITA National

External debt service burden ng Pinas, pumalo sa $17.16B noong 2024

External debt service burden ng Pinas, pumalo sa $17.16B noong 2024
Photo courtesy: via MB/Pixabay

Umabot na sa $17.16 bilyon ang pasanin ng pamahalaan sa pagbabayad ng external debt service o panlabas na utang na di-hamak na mas mataas ng 16% kaysa sa $14.85 bilyon noong 2023, batay sa pinakabagong datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa ulat ng Manila Bulletin, ang burden o pasanin sa pagbabayad ng panlabas na utang o external debt noong nakaraang taon (2024) ay katumbas ng 3.7% ng gross domestic product (GDP), mas mataas kaysa sa 3.4% noong naunang taon (2023).

Ayon sa BSP, ang external debt service burden ay tumutukoy sa parehong bayad sa prinsipal at interes na ginawa matapos ang muling pagsasaayos. Kasama rito ang mga bayad sa mga utang na may katamtaman at mahabang termino, tulad ng mga pautang mula sa International Monetary Fund (IMF), iba pang pautang, at mga pasilidad. Kasama rin dito ang pagbabayad ng interes o interest payments sa "fixed and revolving short-term liabilities owed by banks and non-banks."

Batay pa sa ulat, ang burden o pasanin sa pagbabayad ng prinsipal na utang ay tumaas sa $8.94 bilyon, mahigit 15% na mas mataas kaysa sa $7.76 bilyon noong 2024.

National

‘Pinas, ‘di makikipagtulungan sa ICC hinggil sa ‘interim release’ ni FPRRD – PCO Castro

Kaugnay nito, ang mga bayad sa interes ay lumago ng halos 16% sa $8.22 bilyon noong 2024, mula sa $7.1 bilyon noong 2023.