Nagbigay ng payo ang batikang ABS-CBN at TV Patrol news anchor na si Kabayang Noli De Castro para sa aspiring journalists, sa pamamagitan ng tanong sa kaniya ni sports news presenter Migs Bustos.
"Ang mga journalist eh naghahabol naman ng mga balita. At saka 'yong truth behind the news. Hindi happy ang journalist kapag naka-scoop o nakakuha ng balita at hindi nahuhuli... ang mga reporters natin, hindi dapat nahuhuli sa mga balita dahil 'pag nahuli sila..." aniya pa, na tumutukoy rin sa galawan nila sa ABS-CBN.
Bukod dito, nagbigay rin ng saloobin si Kabayan sa kung nanganganib ba ang mga tunay na journalists dahil sa paglaganap ng fake news.
"Kasi tayong mga tunay na journalist, tayo ang sasalo doon sa kasinungalingan ng mga fake news. 'Di ba, correct? Iko-correct natin, itutuwid natin 'yong mga fake news na 'yon, eh without us, eh wala, sinong magko-correct, wala? 'Di ba? 'Yong tradisyunal na mga media outlet like radio and television, especially sa radio, sila ang magko-correct ng nangyayari sa paligid natin lalong-lalo na kung hindi totoo, like for example 'yong mga nangyayari sa atin ngayon."
"Ang importanteng role ng journalist na makorek nila ang mga lumalabas na mga balita katulad noong pinalabas natin kahapon sa TV Patrol. Without us eh hindi malalaman ng... 'Ay gano'n ba? Eh kahit ako mapaniwala no'n eh. Oh... sa without that correction, maniniwala ang taong bayan eh mas magulo pag gano'n," aniya pa.
MAKI-BALITA: Noli De Castro, nanindigang tunay na journalists magkokorek sa kasinungalingan ng fake news