April 22, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Noli De Castro, nanindigang tunay na journalists magkokorek sa kasinungalingan ng fake news

Noli De Castro, nanindigang tunay na journalists magkokorek sa kasinungalingan ng fake news
Photo courtesy: MB/Pixabay

Natanong ang batikang ABS-CBN at TV Patrol news anchor na si Kabayan Noli De Castro kung sa tingin niya, nanganganib ang mga tunay na journalists dahil sa paglaganap ng fake news.

Natanong siya ng sports news presenter na si Migs Bustos kung sa tingin ba niya, nanganganib ang mga gaya nilang journalists sa fake news.

"Kasi tayong mga tunay na journalist, tayo ang sasalo doon sa kasinungalingan ng mga fake news. 'Di ba, correct? Iko-correct natin, itutuwid natin 'yong mga fake news na 'yon, eh without us, eh wala, sinong magko-correct, wala? 'Di ba? 'Yong tradisyunal na mga media outlet like radio and television, especially sa radio, sila ang magko-correct ng nangyayari sa paligid natin lalong-lalo na kung hindi totoo, like for example 'yong mga nangyayari sa atin ngayon."

"Ang importanteng role ng journalist na makorek nila ang mga lumalabas na mga balita katulad noong pinalabas natin kahapon sa TV Patrol. Without us eh hindi malalaman ng... 'Ay gano'n ba? Eh kahit ako mapaniwala no'n eh. Oh... sa without that correction, maniniwala ang taong bayan eh mas magulo pag gano'n," aniya pa.

Tsika at Intriga

Kyline Alcantara, in-unfollow na si Kobe Paras!