March 29, 2025

Home BALITA National

'Hitler o Ninoy?' Palasyo, may sagot kay VP Sara tungkol kay FPRRD

'Hitler o Ninoy?' Palasyo, may sagot kay VP Sara tungkol kay FPRRD
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo and AP News

Muling binalikan ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Claire Castro ang naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol kay Nazi leader Adolf Hitler, laban sa pagkukumpara ni Vice President Sara Duterte na magaya umano ang kaniyang ama kay dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino Jr. 

Sa kaniyang press briefing, mariing iginiit ni Castro ang naging pahayag ng dating Pangulo bilang tugon sa naturang pahayg ni VP Sara.

"Inihahalintulad ba ni VP Sara ang kaniyang ama sa yumaong Ninoy Aquino? Parang hindi po natin nadinig noon, na inihalintulad ni dating Pangulong Duterte ang sarili niya kay Ninoy kung hindi kay Hitler," ani Castro.

Dagdag pa niya, "Mayroon po siyang sinabi mismo. Sinabi niya dito 'Hitler massacred 3 million Jews.' Actually it supposed to be six million Jews. 'Now there is 3 million, what is it, 3 million drug addicts (in the Philippines), there are. I’d be happy to slaughter them. At least if Germany had Hitler, the Philippines would have me.' So napakalayo pong ipakumpara ang sarili, o ikumpara ang dating Pangulong Duterte kay Ninoy Aquino na hindi nagkaroon ng anumang record ng mass murder o crimes against humanity. Mas ninais mo ni dating Pangulong Duterte na ikumpara ang sarili niya kay Hitler,” saad ni Castro.

National

Sen. Robin, napatunayan pagiging ‘maginoo’ ni FPRRD nang bigyan siya ng ‘absolute pardon’

Matatandaang ibinahagi ni VP Sara sa kanilang mga tagasuporta sa The Hague noong Linggo, Marso 23 ang naging payo niya sa amang si dating Pangulong Duterte na matutulad daw ito kay Ninoy na pinaslang pagbalik sa Pilipinas sa panahon ng administrasyon ng ama ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na si Pangulong Ferdinand Marcos Sr. 

“Yun ang gusto niya, gusto niyang umuwi. Sinabi ko din sa kaniya yun, ‘Pa, sabi ko, yung kagustuhan mo na umuwi, iyan din yung katapusan ng buhay mo, magiging Ninoy Aquino Jr. ka’,” ani VP Sara.

“At sinabi niya sa akin, sabi niya, ‘Kung ganiyan ang kapalaran ko, then so be it. Basta lang mauwi ako sa Pilipinas’,” dagdag niya.

KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, binalaan si FPRRD na baka magaya kay Ninoy Aquino kung uuwi ng PH

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si FPRRD matapos siyang arestuhin noong Marso 11 dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon.

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD