April 03, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Vice Ganda, tumangging maging judge ng PGT dahil sa TV5?

Vice Ganda, tumangging maging judge ng PGT dahil sa TV5?
Photo courtesy: Vice Ganda (IG)/Pilipinas Got Talent (FB)/via MB

Usap-usapan ng mga netizen ang hatid na tsika ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" patungkol sa hindi raw pagpayag ni Unkabogable Star Vice Ganda na maging hurado sa nagbabalik na "Pilipinas Got Talent" o PGT Season 7, na iho-host nina Robi Domingo at Melai Cantiveros.

Isiningit na nga ni Tita Jegs ang tsikang dapat daw ay kasama talaga sa line-up ng mga hurado si Vice Ganda, kasama sina Freddie M. Garcia (FMG), Eugene Domingo, Donny Pangilinan, at Kathryn Bernardo.

MAKI-BALITA: FMG, Donny, Eugene at Kathryn, ‘power judges’ ng ‘Pilipinas Got Talent’ season 7

"Actually, oo kasama dapat diyan si Meme [Vice Ganda] kaya lang no'ng malaman daw ni Vice Ganda na ito ay ipalalabas sa TV5, nag-back out si Vice," aniya.

Tsika at Intriga

'Reserving my peace' post ni Mayor Mark Alcala, inokray dahil sa grammar

"Bakit?" pang-iintriga naman ng isa pang co-host na si Mama Loi.

"Parang may kinalaman pa rin daw ito doon sa dating tampo o sama ng loob ni Vice sa TV5 noong bigla na lang silang kinansel supposedly doon sa, ang It's Showtime hindi naman doon sa GMA-7, kaya lang biglang pinaboran ng TV5 daw noon 'yong Eat Bulaga kaya parang inilalagay sila sa panghapong slot," tsika pa ni Ogie.

MAKI-BALITA: ‘It’s Showtime,’ opisyal nang mapapanood sa GMA sa Abril!

MAKI-BALITA: Plot twist sa noontime: Willie balik-TV5, It’s Showtime lipat-GMA?

Ang tinutukoy raw na panghapong slot ay inookupa ngayon ng "Wil To Win" ni Willie Revillame, bago ang "Frontline Pilipinas" na flagship newscast naman ng Singko.

Dagdag pa, "Eh siyempre parang demotion 'yon siguro para kay Vice Ganda, na parang 'Bakit n'yo kami ilalagay sa hapon? Parang replay o ano ba 'to, delayed telecast? Ganiyan. Kaya mula daw noon, nabuo 'yong tampo ni Vice..."

Kaya raw parang lahat daw ng may kinalaman sa TV5 ay parang ayaw na munang ma-involve ni Vice Ganda.

Matatandaang sa huling season, kasama si Vice Ganda sa line-up ng mga hurado, kasama pa rin si Freddie Garcia, at nadagdag naman sina Robin Padilla at Angel Locsin.

Sa media conference naman ng PGT, inamin ni Uge na kung hindi raw dahil kay Kathryn, hindi siya mapipiling hurado sa nabanggit na reality talent competition.

Anyway, kung babalikan naman ang panayam kay Vice Ganda noong 2023, sinabi niyang bagama't nalungkot siya sa mga nangyari, ay wala naman daw siyang galit sa TV5.

"Ay wala. Wala akong galit sa TV5. Nalungkot ako sa naging desisyon ng TV5 kasi siyempre hindi pabor sa amin 'yon eh, siyempre sa buhay naman, mas masaya tayo kapag ang mga nangyayari eh pabor sa atin, pero, hindi sa lahat ng pagkakataon, eh magiging pabor sa 'yo ang oras, ang pangyayari, ang mga desisyon. May mga pagkakataong may mapapaborang iba. Masakit man, malungkot man sa damdamin pero kailangan mong tanggapin 'yon at kailangan mong irespeto 'yon," aniya. 

"Masaktan man kami, nasaktan man ako, nalungkot man ako, hindi puwedeng mawala sa amin 'yong pasasalamat sa TV5, ang laki ng itinulong nila sa amin ha, kaya nga excited kami noong nakapasok kami sa TV5, 12:45 yata 'yon, masayang-masaya kami, kita mo naman 'yong opening namin..."

"Hindi kami puwedeng magalit sa kanila kasi napasaya nila kami eh, minsan sa buhay namin, tinulungan nila kami. Minsan sa buhay namin nakaramdam kami ng pagdiriwang at kasiyahan dahil sa tulong nila. And that will forever be one great reasons to be grateful to them. Maraming-maraming salamat sa TV5," dagdag pa ni Vice.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, masama ba ang loob sa TVJ at TV5?

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Vice Ganda o ng pamunuan ng TV5 tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.