Nagpasalamat ang re-electionist na si Sen. Bong Go sa mga kababayang persons with disabilities o PWDs na dumalo sa isinagawang Duterte Peace Rally sa Freedom Park, Davao City noong Sabado, Marso 22, dahil sa paninindigan nila para sa muling pagbabalik sa Pilipinas at pagpapakita ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Duterte, ay inaresto ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 11 at humarap na sa pre-trial hearing noong Marso 14, sa The Hague, Netherlands para sa kasong "crimes against humanity."
Personal na dumalo ang senador upang magpasalamat sa mga tagasuporta, dahil sa kabila raw ng kapansanan, buong tapang nilang ipinakita ang paninindigan at suporta sa kanilang "Tatay Digong."
Ipinadama rin ng tinaguriang "Mr. Malasakit" ang pagkilala niya sa dedikasyon ng mga PWD, at tiniyak niyang magpapatuloy ang laban para sa karapatan at dignidad nila.
“Hindi hadlang ang anumang kapansanan para makiisa sa paninindigan. Inspirasyon kayo hindi lang sa akin, kundi sa buong bansa. Sama-sama nating ipaglaban ang kapakanan ng bawat Pilipino,” anang senador, na mababasa rin sa kaniyang Facebook post.