March 26, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Neri di-makapaniwalang mapapasama sa 'most wanted,' tinawag na magnanakaw, manloloko, at scammer

Photo courtesy: Neri Naig-Miranda (IG)

Hindi raw makapaniwala ang dating aktres at negosyanteng si Neri Naig-Miranda na mapapasama siya sa "Most Wanted" sa Pilipinas matapos dakpin ng mga awtoridad dahil sa kasong syndicated estafa, na kalaunan, ay naabswelto naman siya.

Sa kaniyang Instagram post kamakailan ay nagbukas ng kaniyang sarili si Neri hinggil sa kaniyang pinagdaanan noong nakakulong pa siya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) dahil sa pagkakasangkot sa isang scam issue ng isang dental clinic.

"Hindi ko talaga inakala na mapapasama ako sa Most Wanted sa Pilipinas…" pagsisimula ni Neri sa kaniyang Instagram post noong Biyernes, Marso 21.

"Tinawag akong magnanakaw, manloloko, at scammer."

Tsika at Intriga

Tanong sa Family Feud PH tungkol sa suspek na inaaresto, usap-usapan

"Never naman akong nagtago. Palagi nga akong nasa palengke, sa mga talks, at kahit saan pa—I have always been visible, hindi lang sa social media."

"I know many of you are waiting for me to tell my side of the story. When the time is right, I will. O kung kailangan pa bang ikwento ang lahat—mula sa pagdakip sa akin, sa kahihiyan, sa pagkakadetain, at sa agarang paglipat sa BJMP, kung saan dali-dali akong pinasuot ng yellow uniform."

"But for now, let me just say this: It was a nightmare. Isang pagsubok at bangungot na hindi ko kailanman malilimutan," aniya.

Hindi maiwasan ni Neri na magpasalamat sa lahat ng mga nanatili sa kaniyang tabi at hindi agad nanghusga.

"To those who felt even the smallest impact of our kindness, thank you. You remind me that goodness still exists in the world," aniya.

KAUGNAY NA BALITA: 'It was a nightmare!' Neri Miranda, nagsalita tungkol sa pinagdaanan niya