Maagang nagbigay ng birthday message si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaarawan nito sa Marso 28.
Ani Castro nitong Sabado, Marso 22, dapat daw ay magpalakas ang dating pangulo habang nasa detention cell ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands upang maharap nito ang kasong “krimen laban sa sangkatauhan”
"Well sa ating dating presidente, sana po ay magpalakas kayo, maging healthy para maharap ninyo yung inyong kaso, yung trial sa Netherlands," anang mambabatas.
Dagdag pa niya, "Kailangan niyo pong harapin yun, yung kaso ninyo. Syempre, take good care of yourself po para makamtam din naman ng mamamayan yung kanilang hustisya."
Kaugnay nito, ibinahagi ni Vice President Sara Duterte na pupunta rin sa The Hague ang iba pa nilang mga miyembro ng pamilya para sa nalalapit na kaarawan ng kaniyang ama.
MAKI-BALITA: VP Sara, ibinahaging bibisita iba pa nilang pamilya sa Netherlands para sa kaarawan ni FPRRD
Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si Duterte matapos siyang arestuhin noong Martes, Marso 11, upang dinggin ang kaso nitong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga nito.
MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO
Itinakda ng ICC ang confirmation of charges hearing ng dating pangulo sa Setyembre 23, 2025.
MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025
BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD