March 28, 2025

Home BALITA National

Rep. Castro sa sinabi ni VP Sara na may tungkulin siya kay FPRRD: ‘Itigil na ang pagiging ipokrita!’

Rep. Castro sa sinabi ni VP Sara na may tungkulin siya kay FPRRD: ‘Itigil na ang pagiging ipokrita!’
MULA SA KALIWA: ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at Vice President Sara Duterte (file photo)

Inalmahan ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi pa siya umuuwi ng Pilipinas mula sa The Hague, Netherlands dahil may tungkulin din daw siya sa isang Pilipino doon si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang nitong Huwebes, Marso 20, nang sagutin ni VP Sara ang panawagan ng Malacañang na bumalik na siya ng Pilipinas mula sa The Hague at gampanan ang kaniyang tungkulin sa Office of the Vice President (OVP).

“As Vice President, may duty din ako sa isang kababayan natin, isang Filipino citizen who is held against his will dito sa ICC (International Criminal Court) detention center,” anang bise.

MAKI-BALITA: VP Sara sa pananatili niya sa The Netherlands: ‘May duty rin ako sa isang kababayan natin!’

National

‘Pinas, ‘di makikipagtulungan sa ICC hinggil sa ‘interim release’ ni FPRRD – PCO Castro

Sa isa namang pahayag nitong Biyernes, Marso 21, iginiit ni Castro na kaya lamang umano nasa The Hague si VP Sara ay upang hindi mapanagot ang ama nito sa mga naging pagpatay sa madugong giyera kontra droga ng kaniyang administrasyon. 

"Itigil na niya ang pagiging ipokrita dahil ginagawa lang niya ang pagpapabalik sa tatay niya mula sa ICC ay para hindi ito managot sa mga kasalanan nito sa mga biktima ng extra-judicial killings (EJK) sa kanyang pekeng drug war at red-tagging," giit ni Castro.

Ayon pa sa mambabatas, dapat daw magpatuloy ang mga pagdinig ng ICC upang makamit umano na mga biktima ng drug war ang hustisya.

"The Vice President cannot hide behind her position to shield her father from accountability,” ani Castro.

“Justice for the victims of the drug war must be served, and the ICC process should be allowed to proceed without political interference," saad pa niya.

Matatandaang noong Marso 11 nang arestuhin si FPRRD sa bisa ng warrant ng ICC para sa kasong “crimes against humanity” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.

MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO

Nakatakda ang confirmation of charges hearing ni FPRRD sa ICC sa Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD