April 23, 2025

Home BALITA Probinsya

Pusa sa Negros Occidental, patay sa pananaksak

Pusa sa Negros Occidental, patay sa pananaksak
Photo courtesy: (contributed photo)

Isang panibagong kaso muli ng animal cruelty ang naitala mula sa Murcia, Negros Occidental matapos masawi ang isang pusa dulot ng pananaksak.

Ayon BACH Project PH—isang non profit organization, noong Marso 19, 2025 nang makatanggap sila ng tawag tungkol sa isang pusa na lumabas umano ang bituka bunsod umano ng pananaksak. 

Kinilala ang pusa na si Moymoy na umuwi na lang daw sa kanilang tahanan nang duguan. Hindi pa umano tukoy ang salarin sa pananaksak sa pusa. 

Nagawa pa raw nilang dalhin sa pinakamalapit na veterinary clinic kung saan siya inoperahan ngunit noong Huwebes, Marso 20 nang tuluyan siyang bawian ng buhay. 

Probinsya

₱200K, alok na pabuya sa makapagtuturo sa bumaril sa Koreano sa Pampanga

Ayon sa Facebook post ng BACK Project PH, binawian ng buhay si Moymoy habang natutulog matapos ang matagumpay niyang operasyon. “At 4:45 AM, the clinic staff gave us the news we feared the most—Moymoy’s little body couldn’t hold on any longer. He passed away in his sleep,” anang BACK Project PH.

Matatandaang noong Pebrero nang maiulat naman ang dalawang magkasunod na insidente nang pamamana sa dalawang aso na si TikTok at si Bulldog na mula pa rin sa naturang lugar. 

KAUGNAY NA BALITA: ₱65K pabuya, para sa makakapagturo sa suspek na pumana ng 5 beses sa isang aso

KAUGNAY NA BALITA: Isa pang aso sa Negros Occidental, pinana rin!