Muling nakaambang sumipa ang presyo ng produktong petrolyo sa huling buwan ng Marso ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau.
Tinatayang maglalaro sa ₱0.60 hanggang ₱1.00 ang idadagdag sa gasolina, ₱0.10 hanggang ₱0.50 naman sa Diesel habang ₱0.10 hanggang ₱0.30 naman sa Kerosene.
Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, nananatili pa rin umanong nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng gasolina ang tensyon sa Middle East bunsod ng military airstrikes at ang fuel inventory ng gobyerno ng United States (US).
Matatandaang magkakasunod na rollback ang naranasan ng mga motorista noong unang linggo ng Marso habang magkakasunod na oil price hike naman ang naranasan ng bansa noong buwan ng Enero.
KAUGNAY NA BALITA: ROLLBACK: Presyo ng produktong petrolyo, posibleng bumaba sa unang linggo ng Marso
KAUGNAY NA BALITA: Unang oil price hike sa 2025, maaaring sumipa sa susunod na linggo
KAUGNAY NA BALITA: Presyo ng produktong petrolyo muling magtataas simula Enero 14