Inihayag ni Atty. Joel Ruiz Butuyan–isang accredited lawyer ng International Criminal Court–na imposible na umanong makabalik ng Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ambush interview ng media kay Butuyan nitong Biyernes, Marso 21, 2025, iginiit niya na nakadepende pa umano sa magiging desisyon ng ICC kung pansamantalang makakalaya ang dating Pangulo.
“I don’t think makakabalik pa siya,” ani Butuyan.
Paglilinaw pa niya, “Until magkaroon ng ruling ang ICC kasi nasa jurisdiction ng ICC, so it’s going to be the ICC which going to say kung babalik siya o hindi.”
Isinaad din ni Butuyan ang maaari umanong maging desisyon ng ICC kay dating Pangulong Duterte.
“So it’s either ma-di-dismiss ‘yong kaso, mabibigyan siya ng interim release na papuntahin siya dito…” saad ni Butuyan.
Matatandaang noong Marso 11 nang maaresto si dating Pangulong Duterte sa Ninoy Aquino International Airport sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ng ICC para umano sa kaso niyang crime against humanity.
MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO