Sa loob ng ilang dekada, si Sharon Cuneta ay naging katumbas ng salitang "megastar."
Siya ay nananatiling reyna sa pelikula at concert stage, na pumukaw ng mga puso sa pamamagitan ng kaniyang iconic ballads, di-malilimutang drama roles, at di-maiiwasang relatability. Mula sa pagganap bilang isang Pilipinang resilient sa araw-araw hanggang sa pagiging tinig ng mga tao, si Sharon ay nag-iwan ng malalim na impluwensya sa bawat buhay ng mga Pilipino, sa on-screen man o sa totoong buhay.
Sa sandaling ito, ang megastar ay nagbabalik at may bagong misyon kasama ang kaniyang asawa, si dating Senador Kiko Pangilinan, kung saan magkasama silang nagsusulong para sa karapatan ng pamilyang Pilipino sa abot-kayang at masustansyang pagkain.
Ang pakikipag-ugnayan ni Sharon sa masa ay laging natural. Maging ito man ay blockbuster film, sold-out concerts, o mga viral na social media post tungkol sa lahat mula sa pagkain man o hanggang sa pamilya, ang naaabot ni Sharon ay hindi maipagkakaila. Kaya't kapag siya ay sumusuporta sa adbokasiya ni Kiko para sa mga magsasaka at seguridad sa pagkain ng Pilipino, perfect blend ito sa kaniyang star power at taos-pusong layunin.
Ang kanilang bagong TVC na "Pag may Kiko, may Sharon" ay mukhang magaan sa umpisa, ngunit sa likod ng catchy slogan ay may matibay at seryosong mensahe. Ang mga pelikula ni Sharon ay laging nakasentro tungkol sa pamilya at pagtatagumpay sa kabila ng mga pagsubok, habang ang mga polisiya ni Kiko ay nakatuon sa pag-secure ng abot-kayang pagkain at patas na oportunidad para sa mga magsasaka. Ang iconic "baon" scenes ni Sharon ay magandang metapora para sa misyon ng mag-asawa — ang isa ay nagbibigay-init, at ang isa naman ay nagdadala ng konkretong solusyon. Perpektong pagtutugma: ang isa ay nagdadala ng puso, ang isa ay nagdadala ng aksyon.
Ngayon, pag-usapan natin ang isa sa pinakamamahalagang bahagi ng kampanyang ito: si Sharon at ang kaniyang "baon." Para sa maraming Pilipino, ang "Sharon" ay naging simbolo ng pag-uwi ng natirang pagkain, dahil sino ba naman ang makakatanggi sa pagkaing napakasarap para sayangin lang? Matalinong ipinakita ng patalastas ang pamilyar na kultural na konsepto upang i-highlight ang mas malalim na isyu — hindi dapat mahirapan ang mga Pilipino para magkaroon ng masarap na pagkain sa hapag-kainan, at nais ni Sharon at Kiko na tiyaking ito ay hindi mangyayari.
Sa isang partikular na makahulugang eksena, pumasok si Sharon sa isang party, at nang makita niya ang paunti-unting pagliit ng food portions, napagtanto na pati ang mga natirang pagkain na karaniwang dala niya pauwi ay luxury na. Nakakatawa, oo, ngunit ito rin ay malinaw na repleksyon ng pagtaas ng presyo ng pagkain at implasyong kinakaharap ng maraming Pilipino. At dito pumapasok si Kiko — ang lalaking may bitbit na plano.
Si Kiko hindi lamang nagtatago sa likod ng kasikatan ni Sharon — siya rin ay isang taong nagtrabaho nang walang humpay upang ipasa ang mga batas na naglalayong suportahan ang mga magsasaka at mangingisda ng Pilipinas, pinapalakas ang seguridad sa pagkain, at sa huli, pabababain ang presyo ng pagkain. Habang si Sharon ay nagtataglay ng charm at wit na nagpapalapit sa kaniya sa maraming tao, si Kiko ang taong tunay na lumalaban para ayusin ang tunay na mga suliranin sa sistema ng pagkain ng bansa.
Ang pinakabagong kampanya na ito, na may perfect blend ng katatawanan at puso, ay sumasagot sa malaking isyu ng implasyon at ang mga epekto nito. Bakit sa mga ordinaryong Pilipino ay spaghetti o pansit lang ang karaniwang handa sa mga kaarawan? Bakit nakatitikim lamang ng ham isang beses sa isang taon? Bakit ang ating mga magsasaka ay nagtatrabaho ng husto ngunit hindi pa rin sapat para mapakain ang kanilang sariling pamilya?
May mga sagot si Kiko, at kasama ang star power ni Sharon sa kaniyang tabi, mas maraming tao ang makapapansin.
Si Sharon ay laging lumalaban para sa kanyang pinaniniwalaan — tulad ng kaniyang pakikipaglaban kay Kiko noong 2022 eleksyon, sa gitna ng pighati at mga pagsubok. Tulad sa lahat ng kuwento ni Sharon Cuneta, laging may pagbabalik, at ang kasalukuyang ito ay para sa kinabukasan ng pamilyang Pilipino.
Kasama si Kiko, tinitiyak ni Sharon na maririnig ang pangangailangan ng mga Pilipino, na may makapangyarihang mensahe na ang seguridad sa pagkain ay hindi lamang isang polisiya — ito ay paraan upang bigyan ang bawat pamilya ng mas magandang, mas matibay na kinabukasan.
Sa tulong ni Kiko na may mga solusyon at ni Sharon na nagdadala ng puso at star power, ang partnership na ito ay maaaring maging sagot sa pagtulong sa bawat pamilyang Pilipinong magkaroon ng karapatan sa abot-kaya at masustansyang pagkain.
At sa angking star power ni Sharon, sinong kokontra diyan?