April 05, 2025

Home BALITA National

Gabriela, kinondena ‘misogynistic attacks’ sa mga babaeng journalist na nagko-cover sa ICC

Gabriela, kinondena ‘misogynistic attacks’ sa mga babaeng journalist na nagko-cover sa ICC
MULA SA KALIWA: Gabriela Rep. Arlene Brosas at Gabriela first nominee Sarah Elago (Facebook)

“Tatak Duterte ang ganitong klaseng pambabastos sa kababaihan…”

Ito ang iginiit ng Gabriela Women's Party nang kondenahin nila ang “misogynistic attacks” laban sa mga babaeng mamamahayag na nagko-cover sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) kay dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.

Sa isang pahayag  nitong Biyernes, Marso 21, binanggit ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang nangyari kamakailan kay GMA 7 reporter Mariz Umali, na inakusahang tinawag si dating Executive Secretary Salvador Medialdea na "matanda,” kung saan naging dahilan daw ito ng “misogynistic comments.” 

Kamakailan lamang ay nilinaw ni Umali na hindi matanda ang sinabi niya kundi "mata niya."

National

VP Sara, tinawag na 'lason' ang graft and corruption: ‘It needs to be cut!’

MAKI-BALITA: Mariz Umali nilinaw isyung tinawag niyang 'matanda' si Atty. Medialdea

Bukod dito, binanggit din ni Brosas ang nangyari kina ABS-CBN reporter Zen Hernandez at News5 reporter Gretchen Ho na parehong nahaharap sa pag-atake online, at sinasabihan ng “sexist remarks” dahil sa kanilang pamamahayag sa proceedings ng ICC.

Kaugnay nito, iginiit ng mambabatas na “Tatak Duterte ang ganitong klaseng pambabastos sa kababaihan.”

“We are witnessing a deliberate and systematic campaign to silence and intimidate women journalists through the most despicable forms of gender-based violence. These attacks are not merely personal insults but constitute a direct assault on press freedom and women's rights," ani Brosas. 

"Ginagamit ang misogyny at sexual harassment bilang sandata para patahimikin ang mga mamamahayag na nagsisikap na iparating ang katotohanan sa publiko. These attacks follow a familiar playbook—when powerful men feel threatened by factual reporting, they resort to gendered attacks to discredit women journalists,” saad pa niya.

Samantala, kinondena naman ni Gabriela first nominee Sarah Elago ang parent company ng Facebook na Meta dahil sa hindi raw nito pag-moderate at pag-alis ng “misogynistic contents” na umaatake sa mga babaeng mamamahayag.

"Meta's continued inaction against these violent, sexist attacks on their platforms makes them complicit in the harassment. When platforms like Facebook allow vile comments threatening women's safety to remain online despite reports, they become enablers of gender-based violence," ani Elago. 

"Hindi sapat ang mga community standards nila kung hindi naman ito ipinapatupad laban sa mga tahasang pang-aabuso sa kababaihan,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, nanawagan sina Brosas at Elago sa media companies na magbigay ng mas malakas na suporta sa kanilang mga mamamahayag na nahaharap sa “harassment,” at hinikayat ang social media platforms na aksyunan ang mga social media account na nagsusulong ng “gender-based violence.”

"Bukas ang Gabriela na makipagtulungan sa mga media companies para sa pagpapalakas ng mga komprehensibong programa para protektahan ang kanilang mga mamamahayag, lalo na ang mga kababaihan laban sa gender-based sexual harassment. Hindi dapat inaasahan na ang mga journalists lang ang haharap sa mga pag-atake na ito nang nag-iisa. Kailangan nila ng institutional support na tutugon sa mga ganitong klaseng atake na hinaharap ng mga babaeng mamamahayag," ani Elago.

"We stand with our women journalists who bravely continue their work despite these attacks. Ang katotohanan ay hindi dapat kinakatakutan, at ang mga nagtatanggol nito ay hindi dapat binubusalan," saad naman ni Brosas.