April 01, 2025

Home BALITA Internasyonal

Finland, muling kinilala bilang 'happiest country in the world'

Finland, muling kinilala bilang 'happiest country in the world'
Photo courtesy: Pexels

Sa ikawalong pagkakataon, muling kinilala ang Finland bilang “happiest country in the world” ayon sa ulat ng World Happiness Report 2025 noong Huwebes, Marso 20, 2025. 

Pasok din sa top four ang ilang Nordic countries na Denmark, Iceland at Sweden. Ayon sa ulat ng AP News, ibinabatay ang naturang ranking sa pamamagutan ng survey katuwang ang analytic firm na na Gallup at United Nation (UN) Sustainable Development Solutions Network.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa umanong makapasok sa Top 10 ng ranking ang Costa Rica na nasa ikaanim na puwesto at ang Mexico naman ay nasa ika-10. 

Naitala naman ng United States ang pinakamababa nilang puwesto bilang happiest country in the world matapos malaglag sa ika-24 ranking. Habang ang Afghanistan naman umano ang kinilalang unhappiest country sa buong mundo. 

Internasyonal

Philippine Embassy sa Thailand, pinabulaanan umano'y 10 Pinoy na nasawi sa lindol

Nasa ika-57 naman ang Pilipinas mula sa 147 kabuuang bilang ng mga bansa sa nasabing world ranking. Kaugnay nito, pumang-apat naman ang bansa sa “happiest country” sa buong Southeast Asia kasunod ng Singapore, Vietnam at Thailand.