March 29, 2025

Home BALITA National

Año, pinabulaanang sangkot sa umano’y ‘grand conspiracy’ sa pag-aresto kay FPRRD

Año, pinabulaanang sangkot sa umano’y ‘grand conspiracy’ sa pag-aresto kay FPRRD
MULA SA KALIWA: NSC Adviser Eduardo Año at Ex-Pres. Rodrigo Duterte (file photo)

Naglabas ng pahayag si National Security Council (NSC) Adviser Eduardo Año upang pabulaanang sangkot siya sa umano’y “grand conspiracy” para sa naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Marso 21, iginiit ni Año na hindi umano katanggap-tanggap at patas ang pagdawit sa kaniyang pangalan sa naturang umano’y “grand conspiracy.”

“It is utterly unacceptable and unfair that my name is being dragged into an alleged ‘grand conspiracy.’ I firmly deny any allegations of a grand conspiracy,” aniya.

Iginiit din ni Año na “spontaneous” umano ang nangyari noong Marso 11, kung kailan inaresto ang dating pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at dinala sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands, dahil sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon nito.

National

Sen. Robin, napatunayan pagiging ‘maginoo’ ni FPRRD nang bigyan siya ng ‘absolute pardon’

MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO

“As NSA, I was merely doing my job. However, I face all these accusations against my honor and integrity with a firm resolve, knowing that I am on the side of the truth and I was simply doing what I had to do. And In doing so, I upheld the truth, justice, and the rule of law,” saad ni Año.

“Again, my loyalty is always to the country, the Constitution, and not to any person,” dagdag pa niya.

Kasama si Año sa top government officials na inimbitahan ni Senador Imee Marcos, chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, sa isinagawang pagdinig ng Senado sa pag-aresto kay Duterte at pagdala sa kustodiya ng ICC.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC ang dating pangulo, kung saan nakatakda ang kaniyang confirmation of charges hearing sa Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025

BASAHIN: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD