April 01, 2025

Home BALITA Probinsya

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan

13-anyos, pinakabatang nagpositibo sa HIV sa Palawan
Photo courtesy: Pexels

Isang 13-taong gulang ang naiulat na pinakabatang nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) na kumpirmadong mula sa sexual transmission.

Base sa ulat ng GMA Super Radyo Palawan noong Huwebes, Marso 20, 2025, patuloy umano ang pagtaas ng kaso ng mga menor de edad na tinatamaan ng HIV cases sa Palawan. 

Ayon kay Program Coordinator ng City Health Office (CHO) sa Palawan, tinatayang nasa 17 kaso na rin umano ng HIV cases ang kanilang naitala na pawang mga nasa edad na 14 taong gulang. 

Samantala, nasa 391 kaso naman ang naitala mula sa mga nasa edad 15 hanggang 24 taong gulang, habang 593 kaso naman ang mula sa edad 25 hanggang 34 taong gulang. 

Probinsya

Hinihinalang adik, umatake sa ilang bahay sa Cebu; maglola patay, 3 sugatan

Nasa Puerto Princesa rin umano ang may pinakamaraming HIV cases mula sa kabuuang rehiyon ng MIMAROPA na may kabuuang tala ng 709 mga kaso. 

Nanawagan naman umano ang CHO at Amos Tara Community Center sa publiko na manatili raw na magpa-test ang mga indibidwal na posible umanong nakararamdam ng sintomas ng Sexually Transmitted Disease (STD).