March 31, 2025

Home BALITA National

Sen. Go sa pagpapa-imbestiga ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD: ‘Too late the hero na po!’

Sen. Go sa pagpapa-imbestiga ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD: ‘Too late the hero na po!’
(file photo)

Tinawag ni Senador Bong Go na “too late” na ang inisyatiba ni Senador Imee Marcos na imbestigahan sa Senado ang naging pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) para sa kasong “krimen laban sa sangkatauhan.”

Sa isang panayam nitong Miyerkules, Marso 19, iginiit ni Go na tila hindi na umano maibabalik sa Pilipinas si Duterte kahit magsagawa pa raw ng hearing ang Senado, sa pangunguna ni Marcos.

“Karapatan naman niya ‘yan bilang chairperson ng (committee on) foreign relations. At ako bilang miyembro, sinasabi ko lang din po ang aking mga hinanakit na parang too late na po. Ayan ang tinatawag na ‘too late the hero’ na po,” anang senador.

“Maibabalik pa po ba si Tatay Digong dito? Kung maibabalik po, kahit araw-araw tayo mag-hearing.”

National

VP Sara, hiniling ‘kapayapaan sa puso, liwanag sa diwa, at kasiyahan’ para sa mga Muslim

“But too late the hero na po. Tapos na. Maibabalik n’yo pa ba si Tatay Digong dito?” giit pa niya.

Nitong Huwebes ng 10:00 ng umaga inaasahang isasagagawa ng Senado ang pagdinig hinggil sa pag-aresto kay Duterte noong Marso 11, 2025.

Matatandaang noong Marso 11 nang arestuhin si Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at dinala sa headquarter ng ICC sa The Hague Netherlands upang dinggin ang kaso nitong “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng madugong giyera kontra droga nito.

MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO

Kaugnay nito, kamakailan lamang ay sinabi ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla na sa tingin niya ay hindi na kakayaning maibalik sa Pilipinas si Duterte lalo na’t gumugulong na raw ang mga pagdinig sa ICC.

MAKI-BALITA: ‘Yun na yun!’ FPRRD, ‘di na kakayaning maibalik sa PH – DOJ Sec. Remulla

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025