March 29, 2025

Home BALITA

British-Israeli lawyer Nicholas Kaufman, 'confident' na maa-acquit si FPRRD

British-Israeli lawyer Nicholas Kaufman, 'confident' na maa-acquit si FPRRD
photo courtesy: ABS-CBN/YOUTUBE, ICC website

'Even at earliest stage possible'

Kumpiyansa si British-Israeli lawyer Nicholas Kaufman na maa-acquit  si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa reklamong crimes against humanity laban sa kaniya. 

Sa isang chance interview noong Martes, Marso 18, sinabi ni Kaufman na naghahanda sila ng "strong defense" para sa acquittal sa reklamong crimes against humanity ni Duterte sa International Criminal Court (ICC), kabilang na rin dito ang tungkol sa pag-aresto sa dating pangulo. 

BASAHIN: FPRRD, pinagkaitan ng karapatan sa Pilipinas—legal counsel

Internasyonal

Ilang Pinoy sa Qatar, inaresto at ikinulong dahil sa umano'y 'political demonstrations'

Nagpahayag din siya ng kumpiyansa na may malakas na argumento ang defense team nila para sa ma-acquit ang dating pangulo. 

"I’m very confident of the strongest defense possible and I’m confident he will be acquitted indeed, even at earliest stage possible," ayon pa kay Kaufman.

At nang matanong kung maibabalik sa Pilipinas si Duterte, aniya, "I certainly hope so.”

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Sino si Nicholas Kaufman na tatayong lead counsel ni FPRRD sa ICC?