April 16, 2025

Home BALITA National

3 lugar sa PH, makararanas ng 'dangerous' heat index sa Miyerkules

3 lugar sa PH, makararanas ng 'dangerous' heat index sa Miyerkules
Courtesy: Unsplash

Tatlong mga lugar sa bansa ang makararanas ng “dangerous” heat index bukas ng Miyerkules, Marso 19, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 5:00 ng hapon nitong Martes, Marso 18, inaasahang aabot sa danger level ang heat index sa mga sumusunod na lugar:

42°C - Coron, Palawan

42°C - Puerto Princesa City, Palawan

National

'Sino ang mga hudas na tumanggap ng pilak ng ginto sa ating lipunan?'—Harry Roque

42°C - Zamboanga City, Zamboanga del Sur

Paliwanag ng weather bureau, ang heat index ay tumutukoy sa pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.

Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”

“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng ahensya.

BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?