May mensahe si Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., nang magsalita siya sa programa ng pagdiriwang ng 88th Araw ng Dabaw ngayong Linggo, Marso 16.
Ayon kay Mayor Baste, "Mr. President Marcos, you will never be loved! Especially to us who are calling out Rody Duterte's name, you will never be loved, Mr. Marcos."
"We will stand up and we will fight back!" aniya.
Kaugnay pa rin ito sa pagkakaaresto ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) noong Marso 11, dahil sa kasong crimes against humanity.
Noong Biyernes, Marso 14, ay humarap na ang dating pangulo sa pre-trial hearing.
Isasagawa naman ang confirmation of charges hearing sa Setyembre 23.