March 31, 2025

Home BALITA

Kitty Duterte kay Sen. Bong Go: 'Ikaw muna ang tatay ko'

Kitty Duterte kay Sen. Bong Go: 'Ikaw muna ang tatay ko'
Photo Courtesy: Bong Go (FB), Kitty Duterte (IG)

Ipinaubaya raw muna ni Veronica “Kitty” Duterte kay Senador Bong Go ang pagpapakatatay matapos arestuhin ang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ginanap na programa para sa pagdiriwang ng 88th Araw ng Dabaw nitong Linggo, Marso 16, sinabi ni Go na nakakuwentuhan daw niya minsan si Kitty.

“[Sabi niya] ‘Ninong Bong, wala na akong tatay. Ikaw muna ang tatay ko ngayon. Pero huwag kang umiyak. Ngayon ang panahon na magkaisa tayo; straightforward tayo. At be strong tayo,’” lahad ni Go.

Dagdag pa niya, “Kagabi pa ako nakikiusap sa mga politikong minahal kayo ni Tatay Digong, pinansin kayo ni Tatay Digong, sana naman po ‘wag n’yong kalimutan si Tatay Digong. [...] ‘Yon lang po ang pakiusap ko sa inyo.”

Lolong nalilito at tila 'di maalala kung saan pupunta, pinapasaklolohan

Kasalukuyang nasa kustodiya ng International Criminal Court ang dating pangulo para harapin ang isinampa sa kaniyang kaso na krimen laban sa sangkatauhan.

Noong Biyernes, Marso 14, ikinasa ang unang pagharap ni Duterte sa ICC Pre-Trial Chamber. Matapos nito ay itinakda ng korte ang confirmation of charges hearing para sa kaniya sa darating na Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025