Nakakaloka ang isiniwalat ng aktres na si Aubrey Miles tungkol sa kung gaano sila kadalas magtalik ng kaniyang mister na si Troy Montero.
Sa isang episode ng âGlow Up with Annaâ kamakailan, sinabi ni Aubrey na isa hanggang dalawang beses lang silang magtalik ni Troy kung regular lang silang wala sa bahay.
âPero âpag nag-travel, niraratrat namin araw-araw,â natatawang sabi ni Aubrey. âSayang naman âyong binayad [sa] kama.â
âKailangan araw-arawin mo âyon. Tapos, pahinga kayo. âLetâs go home early.â Tapos, bukas ulit. Taâs kain ka lang nang maganda,â wika niya.
Dagdag pa ng aktres, âNakakaganda rin ng lahat. Nakaka-fresh paggising mo.â
Matatandaang kamakailan lang ay kinawindangan ng mga netizen ang kakaibang car test na ginawa nina Aubrey at Troy.
MAKI-BALITA: Car test nina Aubrey Miles, Troy Montero kinawindangan: 'Ang kalaaaat!'