April 20, 2025

Home BALITA National

VP Sara, nabisita na si FPRRD: 'He is in good spirit, well taken care of'

VP Sara, nabisita na si FPRRD: 'He is in good spirit, well taken care of'
Vice President Sara Dutere at dating Pangulong Rodrigo Duterte (Photo: Keith Bacongco/MB; ICC/FB screengrab)

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte na “in good spirit” at “well taken care of” ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nakaditene sa International Criminal Court (ICC) detention facility sa The Hague, Netherlands.

Sa isang panayam nitong Biyernes, Marso 14, sinabi ni VP Sara na nakasama niya si FPRRD nang isang oras nito ring Biyernes kung kailan ginanap ang pre-trial hearing nito sa ICC Pre-Trial Chamber I.

“I visited former president Duterte. He is in the hospital wing of the detention center and he is in good spirits, he is well taken care of,” aniya.

Ibinahagi rin ng bise presidente na nag-usap sila tungkol sa iba’t ibang bagay tulad ng pamilya, bansa, at legal team nito.

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

“We met in the visitors area. The demeanor was he looked well-rested. I asked him that and then he said, ‘I do not do anything except sleep and watch TV’ because he has access to a TV,” saad ni VP Sara.

Samantala, sinabi rin ng bise na nami-miss daw ng dating pangulo ang mga pagkaing Pinoy. 

Gayunpaman, ani VP Sara, mayroon nang “development” pagdating sa mga pagkaing inihahain kay FPRRD.

“But very recently sa meal nila meron nang rice so that was a good development,” saad ng bise.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng ICC si FPRRD matapos siya arestuhin noong Martes, Marso 11, dahil sa umano’y  “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng war on drugs ng administrasyon nito.

Nito lamang ding Biyernes nang humarap si Duterte sa pre-trial hearing ng ICC Pre-Trial Chamber I sa pamamagitan ng video link, kung saan itinakda rito ng ICC ang confirmation of charges hearing para sa dating pangulo sa Setyembre 23, 2025.

MAKI-BALITA: Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025