April 20, 2025

Home BALITA National

Pagkabuwag ng UniTeam, walang kinalaman sa pag-aresto kay FPRRD – Malacañang

Pagkabuwag ng UniTeam, walang kinalaman sa pag-aresto kay FPRRD – Malacañang
(file photo)

Iginiit ng Malacañang na walang kinalaman ang pagkabuwag ng tambalang Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte na “UniTeam” sa pagkaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam nitong Biyernes, Marso 14, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na kahit nabuwag na ang UniTeam, gagampanan pa rin daw ang administrasyong Marcos ang “commitment” nito sa Interpol na makipagtulungan dito sa pag-aresto kay FPRRD at idala sa International Criminal Court (ICC).

"Of course, we will just abide by the law," ani Castro na inulat ng Manila Bulletin.

“Kung ano man po ang kasunduan, kahit sino pa po 'yan, meron pang UniTeam, walang UniTeam, it will be the same. Hindi po tayo pwedeng magkaroon ng special treatment dahil may friendship," dagdag niya.

National

15 katao nasawi sa pagkalunod sa kasagsagan ng Holy Week—PNP

Matatandaang sina PBBM at VP Sara ang naging mag-running mate noong 2022 elections sa ilalim ng “UniTeam.” Samantala, nagsimulang maging usap-usapan ang pagkabuwag ng relasyon ng dalawa nang magbitiw si VP Sara bilang kalihim ng DepEd at bahagi ng gabinete ni PBBM.

Samantala, noong Martes, Marso 11, nang arestuhin si FPRRD dahil sa bisa ng arrest warrant ng ICC dahil sa umano’y “krimen laban sa sangkatauhan.”

MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO