Umapela sa bawat Pilipinong nasa loob at labas ng bansa si Kitty Duterte para sa ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na sasalang sa Pre-Trial Chamber ng International Criminal Court (ICC).
MAKI-BALITA: Ex-Pres. Duterte, haharap na sa ICC ngayong Marso 14
Sa Instagram story ni Kitty nitong Biyernes, Marso 14, nanawagan siya na tumindig sa kung ano ang tama at magsindi ng kandlia mamayang alas-nuwebe ng gabi.
Aniya, "I am calling unto you, not as his supporters, but as Filipinos, to stand for what is right and light a candle, whether you are in the Philippines or abroad."
“Let us be one in prayer and one in upholding our rights to this sovereignty. Daghang salamat,” dugtong pa ni Kitty.
Samantala, iginiit naman nina counsel for victims Atty. Neri Colmenares at ICC assistant to counsel Atty. Kristina Conti na ang pagkaaresto at maging ang pagharap ni Duterte sa Pre-Trial Chamber ay bahagi ng due process na ipinagkait sa mga biktima ng madugong giyera kontra droga.
MAKI-BALITA: Unang pagharap ni Duterte sa ICC Pre-Trial Chamber, bahagi ng due process na ipinagkait sa war on drugs victims