Inihayag ni Senador Alan Peter Cayetano na nag-uumpisa na raw ang pagsusukat nila ng impeachment robe para sa preparasyon ng impeachment trial para kay Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng media kay Cayetano, binanggit niya ang ilan sa mga unti-unti nilang paghahanda para sa impeachment trial.
“I just got surprised, they found out I have a hearing now, so they’re asking kung puwedeng mag-fit ng robe so I have to go up for a few minutes, so we can start the hearing,” ani Cayetano.
Dagdag pa niya, “I know for a fact, but ni-report niyo na rin naman ‘di ba? Yung preparations ni Senate President, but like my staff, we bought the new law books, we are updating doon sa rules ng evidence. And then may seminars na on going. Yun naman ang lamang ng 12 na hindi reeleksyonista, ‘di ba? Kasi nga we’re not busy campaigning so we can do hearings like this and then we can also start study for the impeachment.”
Katulad noong mga nakaraang impeachment trial sa kasaysayan ng bansa, muling magsisilbing impeachment tribunal ang Senado kung saan ang mga senador ang maglilitis sa isang nai-impeach na politiko.
Matatandaang nauna nang igiit ni Senate President Chiz Escudero na nakatakda nilang simulan ang impeachment kay VP Sara, pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hulyo.
KAUGNAY NA BALITA: Impeachment trial kay VP Sara, sisimulan pagkatapos ng SONA – SP Chiz