May 07, 2025

Home BALITA National

Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025

Confirmation of charges hearing para kay FPRRD, itinakda ng ICC sa Sept. 23, 2025
(Photo: ICC via Balita-MB/screengrab)

Itinakda ng International Criminal Court (ICC) ang confirmation of charges hearing para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Setyembre 23, 2025.

Inanunsyo ito ng ICC chamber sa isinagawang pre-trial hearing ng dating pangulo nitong Martes ng gabi, Marso 14 (Manila time).

Sa naturang pre-trial hearing nitong Martes, hindi pisikal na nakadalo si Duterte sa courtroom, bagkus ay sa pamamagitan ng video link.

Ayon kay dating Executive Secretary Salvador Medialdea, na tumayong legal counsel ni Duterte sa korte, kasalukuyang may “medical issues" ang dating pangulo.

National

Banat ni VP Sara: PBBM admin, tuloy pamumulitika hangga't 'di siya 'makulong o mapatay'

Samantala, sinabi ng ICC Presiding Judge na base raw sa opinyon ng doktor ng korte, "fully mentally aware and fit” naman umano si Duterte.

Matatandaang noong Martes, Marso 11, nang arestuhin si Duterte dahil sa bisa ng arrest warrant ng ICC dahil sa umano’y “krimen laban sa sangkatauhan” kaugnay ng war on drugs ng administrasyon nito.

MAKI-BALITA: 'Krimen laban sa sangkatauhan' dahilan ng arrest warrant vs FPRRD – PCO