April 19, 2025

Home BALITA National

Sen. Go sa pag-aresto kay ex-Pres. Duterte: 'Ginawa ni Tatay Digong ang lahat'

Sen. Go sa pag-aresto kay ex-Pres. Duterte: 'Ginawa ni Tatay Digong ang lahat'
(Sen. Bong Go/FB)

Giit ni Senador Bong Go na dapat Pilipino ang humusga kay dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa kampanya kontra droga ng kaniyang administrasyon at hindi ang International Criminal Court (ICC).

"Pilipino ang dapat humusga sa kapwa Pilipino," emosyunal na saad ni Go sa kaniyang panayam sa media noong Martes ng gabi, Marso 11, sa Villamor Air Base sa Pasay City.

"Ginawa ni Tatay Digong ang lahat para makauwi ang mga anak natin na hindi nasasaktan sa gabi. Kayo na po ang humusga, Pilipino ang dapat humusga," dagdag pa niya. 

Sa huli, umapela si Go ng panalangin sa publiko para sa kaligtasan at kalusugan ng dating pangulo. 

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Matatandaang umalis ang sinasakyang aircraft (RP-C5219) ni Duterte sa Villamor Air Base sa Pasay City bandang 11:03 p.m. ng Martes, Marso 11, at kinumpirma ito mismo ni Pangulong Bongbong Marcos.

BASAHIN: PBBM, kinumpirma na dadalhin si ex-Pres. Duterte sa The Hague

BASAHIN: Ex-Pres. Duterte, nasa Dubai na; pa-biyaheng Netherlands