"Kung Pilipino ka hindi ka kailanman susunod sa mga dayuhan sa loob ng sarili mong bayan..."
Ito ang bahagi ng pahayag ni Vice President Sara Duterte ngayong Martes ng gabi, Marso 11, kasunod ng pagsakay ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang eroplano.
Ayon sa mga ulat, patungo umanong The Hague, Netherlands ang eroplanong sinasakyan ng dating pangulo upang harapin ang International Criminal Court (ICC).
"Kung Pilipino ka hindi ka kailanman susunod sa mga dayuhan sa loob ng sarili mong bayan. We are not Filipinos for nothing," saad ng ikalawang pangulo sa isang pahayag.
KAUGNAY NA BALITA: VP Sara, nagsalita na sa pagkakaaresto kay FPRRD!
Samantala, habang isinusulat ito, kasalukuyang nasa Gate 1 ng Villamor Air Base si VP Sara dahil hindi umano siya pinayagang makapasok sa loob.