April 21, 2025

Home BALITA National

‘Pinas, apektado ng mainit na easterlies – PAGASA

‘Pinas, apektado ng mainit na easterlies – PAGASA
Courtesy: PAGASA/website

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Marso 11, na ang mainit na easterlies ang kasalukuyang nakaaapekto sa buong bansa.

Base sa tala ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inaasahang ang “fair weather” sa malaking bahagi ng bansa dulot ng easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Gayunpaman, inaasahan pa rin daw na magdadala ang easterlies ng ilang mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Aurora and Quezon. Posible rito ang pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahan ding magdadala ang easterlies ng isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa. Posible rin daw ang pagbaha o pagguho ng lupa sa naturang mga lugar tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.

National

Pagbaba ng trust at approval ratings ni PBBM, ‘dahil sa impluwensya ng fake news’— Malacañang

Sa kasalukuyan ay wala namang binabantayan ang PAGASA na anumang low pressure area (LPA) o iba pang bagyo sa loob o labas ng Philippine area of responsibility (PAR).