March 12, 2025

Home BALITA National

Korte Suprema, naglabas ng opisyal na pahayag ukol sa petisyon kina FPRRD, Sen. Bato

Korte Suprema, naglabas ng opisyal na pahayag ukol sa petisyon kina FPRRD, Sen. Bato
Photo courtesy: Supreme Court PH (FB)/via MB

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Korte Suprema, sa pamamagitan ng Office of the Spokesperson,  hinggil sa petisyon ng isa sa mga legal counsel nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Ronald "Bato" Dela Rosa, na si Atty. Israelito Torreon, para magkaroon ng temporary restraining order kaugnay sa pagkakadakip ng International Criminal Court (ICC) sa dating pangulo. 

"Statement of the Supreme Court Office of the Spokesperson on the petition filed by former President Rodrigo Duterte and Senator Ronald dela Rosa with the SC." mababasa sa caption sa kanilang opisyal na Facebook page

Sa nabanggit na pahayag, sinabi ng SC na natanggap nila ang petisyon bandang 4:27 ng hapon ngayong Miyerkules, Marso 11.

Nakasaad sa inilabas na pahayag ang mga nakasaad sa petisyon ng petitioners para sa pamahalaan at iba't ibang mga personalidad, gayundin ang pagpapaalalang walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas, matapos mag-withdraw sa Rome Statute noong Marso 17, 2019. 

National

ALAMIN: Ang posibleng detention center ni FPRRD sa ICC

Nakasaad din na nagkaroon ng special raffle tungkol dito, alinsunod sa Rule 7 Section 7 ng Internal Rules of the Supreme Court.