April 02, 2025

Home BALITA National

FPRRD, pinipilit daw isakay sa eroplano – Baste Duterte

FPRRD, pinipilit daw isakay sa eroplano – Baste Duterte
(Photo courtesy: Baste Duterte/FB; Kitty Duterte/IG)

Isiniwalat ni Davao City Mayor Baste Duterte na pinipilit umano ang kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na sumakay sa eroplano kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC). 

Matatandaang nitong Martes ng umaga, Marso 11, nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) si FPRRD mula sa Hong Kong, at saka siya dinala sa Villamor Air Base sa bisa raw ng arrest warrant ng ICC para sa “krimen laban sa sangkatauhan.”

MAKI-BALITA: Dating Pangulong Duterte, dinala sa Villamor Airbase

“They are insisting that PRRD get on a plane to who knows where using an ICC warrant which does not have jurisdiction in this country. Clowns behaving like clowns again. This has to end,” ani Baste sa isang Facebook post nitong Martes ng tanghali.

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

Samantala, iginiit din ng alkalde na ginagamit umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagkaaresto sa kaniyang ama upang ilihis ang isyu ng “national budget.”

“Bongbong Marcos admin is fantasizing that this scenario would materialize hoping that the issue on the national budget would just go away,” saad ni Baste. 

“The smell of desperation,” giit pa niya.

Nito lamang Martes nang kumpirmahin ng Malacañang na natanggap na ng INTERPOL Manila ang opisyal na kopya ng warrant of arrest kay dating pangulo mula sa ICC.

MAKI-BALITA: FPRRD, sinilbihan na ng warrant of arrest ng ICC — Malacañang

Samantala, habang sinusulat ito’y wala pang pahayag mismo si PBBM hinggil sa nasabing pagkaaresto ni FPRRD o sa sinabi ni Mayor Baste.