April 03, 2025

Home BALITA Eleksyon

Daan-libong jacket, ipapamudmod ni Willie Revillame sa pangangampanya

Daan-libong jacket, ipapamudmod ni Willie Revillame sa pangangampanya
Photo Courtesy: Wil To Win (FB)

How true na nagpagawa umano si “Wil To Win” host at senatorial aspirant Willie Revillame ng daan-daan libong jacket para gamitin sa pangangampanya?

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” kamakailan, inispluk ni Romel Chika na hindi lang daw sa Pilipinas mamimigay si Willie ng jacket.

“Si Sir Willie nagpagawa ng maraming-maraming jacket. Siyempre, hindi lang ito Pilipinas. Buong mundo basta may Pilipino, may jacket ka dyan,” saad ni Romel.

Sundot naman ni showbiz columnist Cristy Fermin, “Totoo naman ‘yan. Binibigyan niya talaga, ano. Kahit naman sa programa niya, puro-jacket-puro-jacket.”

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

Matatandaang humabol si Willie ng kandidatura sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) sa The Manila Hotel Tent City nito ring Martes, Oktubre 8.

MAKI-BALITA: Willie nag-file ng COC, ibinunyag nag-udyok para tumakbong senador

Ayon sa isang panayam noon ding Oktubre, sinabi ni Willie na nagpasya raw siyang kumandidato dahil sa bangayang nakita niya sa Senado.

“I thought baka makatulong ako kahit papaano. Siguro makikipag-away ako sa senado kahit kanino para sa mahihirap,” saad ni Willie.

MAKI-BALITA: Willie kaya nagbago-isip sa pagkandidato: 'Kawawa mga Pilipino!'

Ngunit nang tanungin naman siya kung anong batas ang ipapasa kung sakaling maupo sa pwesto, saka na lang daw muna niya iisipin kapag nanalo na.

MAKI-BALITA: Willie, wala pa raw plano: 'Pag nanalo na 'ko, doon ko na lang iisipin!'