Sa kaniyang pakikiisa sa International Women’s Day at National Women’s Month, hinikayat ni Senador Risa Hontiveros ang mga Pilipinong ipaglaban ang karapatan ng lahat ng kababaihan.
Binanggit ni Hontiveros sa isang video message nitong Sabado, Marso 8, na isang karangalan para sa kaniyang ang pagdiriwang ng buwan ng kababaihan bilang isang “babae, ina, at chairperson ng Senate Committee on Women.”
“Mula noon hanggang ngayon, ang mga programa, batas at polisiya para sa ating kababaihan ay hinding-hindi natin binibitawan,” ani Hontiveros.
Kaugnay nito, hiniling ng senadora sa publiko na huwag kalimutan ang kababaihang “pinaka-vulnerable” sa lipunan.”
Aniya, bagama’t mahalagang kumuha ng inspirasyon sa matagumpay na mga babae, dapat hindi rin kalimutan ang mga patuloy na napag-iiwanan.
“There are still girls who are not able to go to school due to long-held patriarchal beliefs. There are still girls forced into marriage as a way out of poverty. There are still women facing abuse and harassment in school, in the workplace, in public spaces. There are still women suffering in silence at the hands of violent partners or husbands,” aniya.
“Napakarami pa pong kapwa nating babae ang nagdurusa at patuloy na inaapi.”
Sinabi ni Hontiveros na isang tanda ang Women's Month upang alalahaning marami pa ring kailangang trabahuhin para sa karapatan at tunay na kalayaan ng bawat babae sa bansa.
“We who have some measure of privilege should use this privilege for those most in need. We must all be in solidarity with the most vulnerable of our women and girls. We women have the power to help each other rise up together,” ani Hontiveros.
“Sama-sama po nating ipaglaban at ipanalo ang karapatan at kapakanan ng kababaihan. A happy and meaningful Women's Month to all of us,” saad pa niya.